Miyerkules, Marso 23, 2011

Abstrak

          Gaano ba kayo ka-pamilyar sa mga kultura, tradisyon o sabihin na nating mga gawi-gawi ng mga mag-aaral at maging mga propesor ng Unibersidad ng Pilipinas at Unibersidad ng Sto. Tomas? Natikman mo na din ba ang mga ipinagmamalaki nitong mga sikat na kainan at food stalls? at nakarating ka na ba sa mga kilalang atraksyon dito?

         Ang UST at UP ay kilala bilang dalawa lamang sa pinakamayaman at sikat na unibersidad sa Pilipinas, dahil sa kanilang mga naiibang kultura at tradisyon na naririnig o napapanood lamang natin sa mga radyo at telebisyon. Ngunit paano nga ba naiiba ang mga kultura at tradisyon na ito sa dalawang unibersidad na nabanggit? Mayroon din ba silang mga pagkakapareho? Sa anong mga aspeto? Sa pag-aaral na ito, nalaman ng mga mananaliksik na may malaking pagkakaiba ang UP at UST sa isa’t-isa, gayun din ang kanilang mga pagkakapareho. Malaki ang pagkakaiba ng UP at UST sa mga aspeto gaya ng relihiyon, mga tradisyon, pamamahala ng administrasyon ng unibersidad, uri ng mag-aaral, mga batas at polisiya, pamumuhay ng mga mag-aaral,  at mga selebrasyon. Sa kabilang banda naman nagkakapareho ang UST at UP sa pagpapahalaga sa kalidad ng edukasyon na kanilang ibinibigay sa kanilang mga mag-aaral, kakayahang pang-akademya, ang kinakaharap nilang suliranin sa mga pasilidad gaya ng mga laboratoryo, at sa aspeto ng pamumuhay ng mga mag-aaral tungkol sa pagkaing kanilang bilbilhin, masarap at sulit pero mura at kaya ng badyet. Dahil sa mga pagkakapareho at pagkakaibang ito nakikila ang UP at UST. 

1 komento: