Miyerkules, Marso 23, 2011

Rekomendasyon

Bilang pagtatapos ng pamanahong papel na ito,  inaasahan ng mga mananaliksik na maging daan ang papel na ito upang lumawak ang mga pag-aaral tungkol sa mga kultura at tradisyon hindi lamang ng UP at UST, kundi maging ng iba pang mga unibersidad sa Pilipinas.

Sa larangan ng pananaliksik, iminumumgkahi ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a.       hindi lang 5 mag-aaral ang kuning respondente, kundi kumuha ng atleast isang respondente ng kada kolehiyo  sa mga nasabing unibersidad. Ito ay upang makakalap ng mas kumpleto at detalyadong datos tungkol sa mga kultura at tradisyon ng UST at UP;
b.      dagdagan ang bilang ng mga propesor at gurong kakapanayamin, upang makakuha rin ng mga opinion o impormasyon na lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral; at
c.       magbigay ng malaking oras sa pagsasagawa ng imersyon, ito ay upang hindi malimitahan ang mga makukuhang datos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento