Miyerkules, Marso 23, 2011

Mga Kaugnay na Babasahin at Pag-aaral Tungkol sa Kultura at Tradisyon ng Unibersidad ng Pilipinas at Unibersidad ng Sto. Tomas

           Kaakibat ng pag-aaral ng kultura at tradisyon ng UST at UP ay ang kanilang impormasyon tungkol sa kanilang kasaysayan, mga maipagmamalaking atraksyon, pamumuhay, kakayahang pang-akademya at marami pang iba.


    I.       Non- Academic

A.      Kasaysayan 

                Maikling Kasaysayan ng Unibersidad ng Sto. Tomas

    Kilala ang Unibersidad ng Sto. Tomas bilang pinakamatandang unibersidad hindi lamang sa Pilipinas at sa buong Asya (UST website). Ito ay nagmula sa 1500 na pera mula kay Monsignor Miguel de Benavides, O.P. at sa kanyang koleksyon ng mga aklat noong ika-24 ng Hulyo 1605. Noong una ito ay isang simpleng kolehiyo at silid-aklatan na sa simula ay para lamang sa mga seminarista . Ito ay sinundan ng pagtatatag ng UST noong ika-28 ng Abril 1611 bilang Kolehiyo  de Nuestra Señora del Santisimo Rosario sa Intramuros, Maynila ni Monsignor Miguel de Benavides, O.P., ang ikatlong arsobispo ng Maynila, katulong sina Frs. Domingo de Nieva and Bernardo de Santa Catalina (Lapuz, J.D., 2011).

Hindi nagtagal tinawag itong Kolehiyo de Sto. Tomas bilang pagbibigay pugay kay Sto. Tomas Aquinas, ang pinakamagaling na Dominikanong theologian. Noong ika- 25 ng Nobyembre 1645 ang Kolehiyo de Sto. Tomas ay ginawang isang unibersidad ni Pope Innocent X. Sa pamamayagpag ng mga Español sa Pilipinas ito ay tinawag ni Haring Charles III na “Royal” noong 1785. Habang nasa kamay ito ng monarkiya ng España patuloy ang pag-usbong ng UST sa katunayan ginawa itong “Public University of General Studies” ni Pope Innocent XI kasunod nito ang pagbibigay karapatan ni Pope Clement XII sa unibersidad na madagdagan ang mga programa o kursong itinuturo dito. Noong ika- 17 ng Septyembre 1902 binasbasan ito ni Pope Leo XIII bilang “Pontifical University”, at noong 1947 tinawag ito ni Pope Pius XII bilang “The Catholic University of the Philippines”.

Sa patuloy ng pagdami ng mga mag-aaral sa UST noong 1927 napilitan itong magtayo ng panibagong kampus mula sa Intramuros patungo sa Sampaloc, ang aktwal na lokasyon nito sa ngayon na may 21.5 ektaryang lupain. Dahil sa pag-usbong ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig tuluyang nasira ang Intramuros kasabay nito ang pagkasira ng UST, Intramuros. Dalawang beses lamang nahinto ang pagtuturo sa UST, una, ay noong 1898-1899 panahon ng Philippine Revolution at ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano, at ang ikalawa ay noong 1942-1945, panahon ng kolonyalisasyon ng mga Hapon, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Patuloy pa rin ang pamamayagpag ng UST mula noon hanggang ngayon na naging dahilan kung bakit ito ang tinaguriang ang pinakamatandang unibersidad sa Pilipinas at maging sa Asya.


            Maikling Kasaysayan ng Unibersidad ng Pilipinas

     Itinatag ang Unibersidad ng Pilipinas noong ika-18 ng Hunyo 1908 sa pagpapatibay ng 1st Philippine Legislature Act. # 1870 o kilala rin bilang “Batas Pang-unibersidad.” Una nitong itinatag ang Philippine Medical School noong 1905 (na kinalaunan nagging Kolehiyo ng Medisina sa UP). Nagsimula itong maging aktibo noong 1907 isang taon bago ang pagkakatatag ng buong unibersidad. Kasama ang College of Fine Arts at College of Liberal Arts, ito ay itinatag sa isang gusali sa Padre Faura (Ermita) at R. Hidalgo (Quiapo) sa Maynila.

      Nagsimula ang paggawa ng panibagong kampus noong 1939 sa 493 ektaryang lupain sa Diliman at Rizal. Dahil sa pananakop ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig nasira ang ilan sa mga gusali dito, at dahil doon ang pangulo ng UP na si Pang. Bienvenido Gonzalez ay humingi ng 13 milyon mula sa  US-Philippines War Damage Commission. Pagkatapos ng digmaan itinuloy ang pagsasaayos ng Diliman, nagtayo ng mga bagong imprastraktura gaya ng Gonzalez Hall, Melchor Hall, Kamia, Abelardo Hall, Quezon Hall,at ang Tirahan ng pangulo ng UP. Mula noong 1949 inilipat ang mga opisina ng administratibo ng UP sa Diliman mula sa Maynila kasabay ang Oblation. Mula noon nagsilbing pangunahing kampus ang Diliman. 


B.      Kampus

Mga atraksyon sa Unibersidad ng Sto. Tomas



   Fountain of Wisdom    


Miguel de Benavides Monument

UST Museum     

                                                            Quadricentennial Park



Mga atraksyon sa Unibersidad ng Pilipinas

Sunken garden

          Carillon Tower

  Academic Oval  

Oblation

         Gonzalez Hall (Main Library)                      

UP-Ayala Techno- Hub


C.      Mga Sikat na kainan sa UST at UP

Kung sa tingin ninyo na ang mga mag-aaral ng UST ay nakabase lamang sa mga kanian sa loob ng kanilang kampus o di naman sa carpark dyan kayo nagkakamali. Isang natural na bagay na sa ating mga Pilipinong kabataan ang mag-explore ng iba’t ibang bagay kasama na doon ang pagkain. Hindi nililimitahan ng mga Tomasino ang kanilang mundo sa loob lamang ng unibersidad ngunit maging sa labas nito. Napakaraming mga kainan, at food stalls kung tawagin sa labas ng mga pader ng UST na madalas puntahan ng mga mag-aaral lalong-lalo na yaong mga nagbabadyet ng kanilang mga baon. Ilan dito ay ang Mang Tootz na kilala sa kanilang banana-ram-a at pagkaing talagang abot-kaya ng badyet ng mga mag-aaral, ang mga food stalls sa Dapitan at P. Noval na nagbebenta ng masasarap na street foods gaya ng isaw, fish balls, barbeque, at marami pang iba. Kung gusto nyo namang matikman ang masarap na milk teas isa lang naman ang binibili ng mga Tomasino at ito ang Fanshu, Lovelite na kilala sa kanilang mga inumin na hindi mabigat sa bulsa ng mga mag-aaral, at scramble na mabibili sa loob ng carpark, Dapitan at P. Noval.

Kagaya ng UST ang UP Diliman ay may mga ipinagmamalaki ring mga mura ngunit masasarap kainan sa loob ng kanilang kampus. Isa na rito ang Rodic’s Food Express, na makikita sa loob ng Shopping Mall, Ang Rodic’s ay kilala sa kanilang tapsilog at mga abot - kayang lutong bahay na talagang binabalik-balikan ng mga mag-aaral at maging ng mga alumni ng UP. Kung mga sizzling na pagkain na abot - kaya ng badget naman ang hanap nyo hindi dyan magpapatalo ang Mang Jimmy’s Sizzlers sa MWSS compound sa UP Diliman. Ang kainan na ito ay madalas puntahan ng mga mag-aaral lalo na ng mga grupo dahil na rin sa iba’t-ibang promo na inooffer nila sa mga estudyante. Isaw ba at iba’t-ibang mga lutong kalye ang ipinagmamalaki naman ng food stall ni Mang Larry sa harap ng Kalayaan Residence Hall. Halos lahat yata ng mga mag-aaral sa UP ay kilala ang food stall nya hindi lang dahil inihahanda nyang mga murang pagkain, kung hindi sa sarap at malinis nitong mga lutong kalye na kanyang ibinebenta araw-araw, kada alas 3 hapon hanggang ala 9 ng gabi. Marami pang mga kilalang mura at masasarap na kainan sa UP gaya ng Treehouse Restaurant, Lola Lita’s, Beach House Barbeque, Lutong Bahay, Long Island at U.P. Manininda.

Sa kabilang dako naman may mga restawran at kainan din sa loob ng UP Diliman kampus ang masasabing may kamahalan. Ilan dito ay ang: R.O.C (Restaurant of Choice) na kilala na tambayan ng mga mag-aaral dahil sa free Wi-fi Internet nito at sa kanilang masarap na burger; Khas Food House na kilala sa kanilang Persian at Indian foods; ang The Chocolate Kiss Café; at Chateau Verde ay kilala naman dahil sa kanilang mga pasta, steaks, salads at marami pang iba.


     II.        Academic

Mga Programa sa UST at UP na pinarangalang Sentro ng Kagalingan ng CHED

Hindi naman maipagkakaila ang UP at UST ay ang dalawa sa apat na unibersidad sa Pilipinas na tinaguriang Big Four of the Philippine Universities, kasabay ang Ateneo de Manila University at De La Salle University. Ito ang nagpapatunay na ang UP at UST ay dalawa lamang sa mga unibersidad sa ating bansa na nagbibigay ng mataas at may kalidad na lebel ng edukasyon sa mga Pilipino at maging sa ibang lahi. Kaakibat ng kanilang pagkakasama sa Big Four ay ang mga programa sa kani-kanilang unibersidad na pinarangalan ng Commission on Higher Education o CHED bilang Sentro ng Karangalan.

Sa Unibersidad ng Sto. Tomas nakamit ng mga programa o kursong Pilosopiya, Literatura, Chemistry, Arkitektura, Narsing at Biology ang nasabing parangal para sa taong 2010 hanggang 2011 . Sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman kampus naman nakuha ng mga programang Information Technology, Kemistry, Geology, Molecular Biology, Physics, Statistika, Marine Science, at Matematika ang pagiging Sentro ng Kagalingan para sa taong 2010 hanggang 2011. 


Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento